Due to some technical problems, I had to move to a new blog site. The title is Masdan Natin.
Friday, September 24, 2010
Monday, August 23, 2010
Sino ang Salarin sa Hostage Taking sa Maynila?
Si dating Sr. Insp. Rolando Mendoza ang suspect sa nangyaring hostage taking sa Maynila kahapon (Agosto 23, 2010), pero sino nga ba ang may sala sa kamatayan ng mga taong sangkot?
Kung ikukumpara sa kahilingan ni Ducat noong 2007 kung saan nang-hostage siya ng mga estudyanteng sakay din ng isang bus, higit na madali ang hinihingi ni Mendoza. Walang nasaktan si Ducat noong panahong iyon dahil pinangakuan siya na mapagbibigyan sa kanyang mga hinihingi, pero kabaligtaran ang nangyari kahapon. Halos lahat ng nasa loob ng bus ay namatay dahil sa labis na galit ng hostage taker. Alam ng sinumang negosyador sa mga ganitong pangyayari na hindi dapat bigyan ng dahilan para magalit ang nambibihag, pero anong pumasok sa isip ng lider ng operasyong ito at ipinidampot nang sapilitan ang kapatid ng hostage taker? Ganito na ba talaga kamangmang ang mga hepe at mga lider ng ating kapulisan?
Ipinahayag ng MalacaƱan noong mas maaga pa na ang hostage taking drama ay hindi makakaapekto sa turismo at sa pagtingin ng mga banyaga sa ating bansa. Tiwala ang marami na matatapos nang mapayapa ang dramang ito, at tama lang na ganito ang kanilang maging akala dahil isa-isang pinalalaya ng suspect ang mga hostage, at wala ni isa man sa mga nakalaya ang sinaktan, ni ginutom man. Sa kabilang banda, magandang larawan ba ang nakita nating reaksyon ng mga pulisya? Labis na nakakabahala ang ginawa nilang pagdakip kay SPO2 Gregorio Mendoza, at alam na alam din nila na ito ay kakalabit sa gatilyo ng ng kapatid na suspek. Ilang minuto pagkatapos ng iskandalosong pag-aresto sa kapatid ng hostage taker, nag-umpisa nang magpaputok at pumatay ang suspek. Ito ba ay isang hindi maiiwasang pangyayari? Walang kahit anong excuse ang maaaring tanggapin sa ginawang ito ng mga pulis. Maraming buhay ang nawala at napakaraming iba pa ang naapektuhan dahil sa kanilang pagkakamali. Ni wala isa man ang dapat nasawi sa kaganapang ito, pero dahil sa isang manhid na hakbang, buhay ang naging kapalit, bukod pa sa napakalaking kahihiyan na inabot ng ating bansa sa buong mundo.
Daliri ng mga pulis ang kumalabit sa baril na pumatay kay Mendoza, pero sino ang kumalabit sa baril na pumatay sa mga hostage? Anong nangyari sa inakala ng marami na maganda ang kahihinatnan ng negosasyong ito? Sino ang tunay na salarin?
Larawan ba ng isang matagumpay na operasyon ang nakalaylay na katawan at nagkalat na utak ng suspek matapos ang humigit-kumulang isang oras na palitan ng putok? Walang naging matagumpay sa pangyayaring ito kundi ang resulta ng hangal na pagkilos ng mga pulis. Ito lamang ang tanging akala na hindi nagkamali. Alam na natin agad kung ano ang susunod na mangyayari pagkatapos ng kaguluhang idinulot ng pagdakip sa kapatid ng hostage taker, at hindi tayo sumablay. Ano pa ba ang aasahan nating reaksyon mula sa isang galit na suspek kung sa halip na pagbigyan ang kanyang mga hiling ay lalo pang ipinapakita sa kanya maaaring gawin sa kanya at sa kanyang pamilya ang anumang naisin ng mga nasa kapangyarihan? Sa umpisa pa lang ng maling hakbang na ito ay halos sigurado na tayo sa magiging katapusan ng lahat.
Sunday, June 27, 2010
Ang Tunay na Lalaki
"Ang tunay na lalaki, proteksyon ang binibigay, hindi sakit o di inaasahang pagbubuntis."
There's no sense in it. First of all, if you would watch the bedroom scene of the ads, you will see how ungentlemanly the guy is. The girl was soaked in the rain, but instead of standing up from the bed to help her dry her body, the man started to relish her "yumminess" while watching her wet body. How sweet! Where is the sense of manly protection? Maybe he is not giving her a disease but he doesn't care whether she will be sick.
Besides, why did Robin think that this guy might infect her should he not use condoms? Does he want to imply that this guy (and all other guys) might have been unfaithful and might have incurred an infection from someone else? Where is the manliness there?
A true man knows how to master himself. Self-discipline is his protection against his "frenzy". If he doesn't have control over himself, and thus just resort to condom use, then he is like the man in a song that says, "Ako'y ibigin mo, lalaking matapang. Ang baril ko'y pito, ang sundang ko'y siyam."
Contraceptive ads are always ironic.
[Originally written as a comment for this article: http://anasantoswrites.com/?p=1182]
Labels:
condom,
proteksyon,
robin,
trust,
tunay na lalaki
Saturday, June 26, 2010
Saturday, June 12, 2010
Tide at Safeguard: Sagot sa mga problema?
Siguro ay lahat ng nanonood ng TV ay nakita na ang bagong ads ng Tide at Safeguard kung saan isang ina ang nanalo ng isang milyong piso sa promo ng Tide, at isang anak naman ang nanalo din ng isang milyon sa promo ng Safeguard. Anong hindi tama sa mga patalastas na ito? Dahil sa tinatawag na advertising strategy, sinisira ng ganitong mga advertisement ang sense of reality ng tao. Kahit pa sabihing natural na nagmula sa mga nanalo ang mga pananalitang kanilang ginamit, hindi papayagan ng isang kompanyang may malasakit sa pagkatao ng mga tagatangkilik na ang maririnig sa kanilang mga patalastas ay magkakaroon ng masamang impluwensya sa mga nakakapanood.
Ano ang tinutukoy ko? Ang pagsasabing, "Maso-solve na ang lahat ng problema ko," dahil lang nagkaroon ng isang milyong piso ay napakairesponsableng pananalita. Hindi natin gustong ituro sa ating mga anak na masusulusyunan ng pera ang lahat ng problema. Bukod sa pinansyal na suliranin, alam nating wala nang ibang pwedeng maitulong ang pera. Ganito na nga mag-isip ang karamihan sa atin, hindi na ito dapat ginagatungan pa. Tatanungin ko kayo, mabibili ba ng isang milyong piso ang kagalingan ng isang anak ng nalulong sa masamang gamot dahil hindi niya nararamdaman ang pagmamahal ng pamilya? Maaayos ba ng isa, dalawa, o sampung milyong piso ang nasirang relasyon ng magulang at mga anak, o kaya ay ng mag-asawa? May totoo bang mararating ang halagang ito kung may taning na ang buhay mo o kaya ay kailangan mong gumastos ng daang libo kada dalawang linggo para lang manatili kang buhay? Kung tutuusin, ang huling nabanggit ay maituturing din na problemang pinansyal, pero kahit sa kasong ito, walang magagawa ang kahit magkano.
Ang ikalawang kalahok naman, na isang binata, ay masayang-masaya dahil sa kanyang napanalunan. Pero higit doon, umaasa siyang dahil dito ay hindi na sana maranasan ng pamilya niya ang naranasan niyang paghihirap. Maganda ang intensyon pero, muli, nagpapakita ito ng isang mundo ng pantasya. Unang-una, hindi dahil gumagamit ka ng Safeguard ay may malaking posibilidad nang magkaroon ka ng isang milyon. Higit na mas malaki bilang pa rin sa mga umaasa dito ang hanggang pag-asa na lang.. Pangalawa, hindi komo dumating ang panalo mo sa oras na hindi inaasahan e masasabi mo na sa iba na sa ganung paraan pangkaraniwang nakakamtan ang yaman: "Pag di mo pala inaasahan...dun dadating ang yaman!" Pangatlo, hindi natin dapat subukan o isipin man lang na ipagdamot sa ating pamilya ang pagkakataong mapalago ang kanilang pagkatao sa pamamagitan ng pagharap sa realidad ng buhay. Gaano man kabuti ang layunin, ang pagtatangkang ilayo ang isang tao sa lahat ng uri ng paghihrap, kabiguan, o sama ng loob ay isang paraan ng paghamak at pagpapahamak sa kanya. Ito ay maihahalintulad sa isang amang namamangka na bagamat laging kasama ang kanyang anak ay hindi ito pinaghahawak ng sagwan dahil ayaw niya itong mahirapan, masaktan, o malagay sa posibilidad ng sakuna. Sa kalagitnaan ng paglalakbay ng anak at sa huling bahagi ng paglalakbay ng ama, walang mag-aakalang kailangan nang mawala ang humahawak ng sagwan. Dahil dito, ang anak ay maiiwan sa mga hindi kailangang panganib ng sakuna at maagang kamatayan. Mabuti man ang intensyon ng ama, dahil ito naman ay mali, siya pa rin mismo ang nagpahamak sa kanyang anak, at masasabing nagdala sa kanya sa kamatayan.
Totoong kailangan ng magandang taktika sa pagbebenta ng mga produkto, pero hindi nito dapat inaapakan, ipinapahamak, o itinutulak sa kamalian ang kaninumang pagkatao.

Friday, April 10, 2009
Legal ang Aborsyon sa Pilipinas
Sa nakasanayang larawan ng aborsyon, masasabing ito ay ipinagbabawal ng batas pambansa, pero ang totoo, ito ay pinapayagan at hinihikayat.
Ang aborsyon ay tumutukoy sa anumang porma o paraan ng pagtapos sa pagdadalantao bago pa man magkaroon ng kakayanan ang bata na mamuhay sa labas ng sinapupunan. Ang pagdadalantao (pagdadala ng bagong tao) ay nagsisimula sa fertilization o sa pagtatagpo ng spermatozoon at ovum. Mas kilala natin ang prosesong ito bilang conception. Sa 1987 Philippine Constitution ay sinasabi: "[The State] shall equally protect the life of the mother and the life of the unborn from conception" (Art. 2 Section 12). Anumang hakbang na kikitil sa buhay na dinadala ng ina sa sinapupunan ay labag sa isinasaad ng Saligang Batas.
Sa kabalintunaan, ang gobyernong lokal at ang gobyernong pambansa ay pumapayag sa paggamit ng mga kontraseptibong pamamaraan at kagamitan na pumapatay sa dinadala ng isang ina sa kanyang sinapupunan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang intrauterine device (IUD), emergency contraceptive pill, at OCP o mas kilala sa tawag na birth control pill. Ang IUD ay ipinupwesto sa matres ng babae upang pigilan ang pagtatagpo ng binhi ng lalaki at ng babae. Dahil hindi ganap ang bisa nito, nagkakaroon ng mga kaso ng undetected pregnancy o pagdadalantao na hindi namamalayan. Dahil sa presensya ng IUD sa matres, ang zygote o ang bagong tao sa sinapupunan ay hindi makakadikit sa kanyang tamang pwesto (uterine wall) para mapalusog at maiporma. Ito ay dahil iniirita at pinapalitan ng IUD ang uterine lining na dapat sana ay ligtas na tahanan ng bata. Dahil dito, ang zygote ay maiiwang mag-isa at walang tustos ng pagkain at dugo na magiging sanhi ng kamatayan nito. Ganito rin ang nangyayari kapag ang ocp ay hindi naging matagumpay sa pagpigil sa ovulation, at sa pagpapabagal ng pagtatagpo ng mga binhi. Pinapalitan din nito ang porma ng uterine wall para hindi makadikit dito ang zygote at sa ganun ay mamatay. Ang tinatawag namang emergency contraception ay hindi talaga contraceptive ang intensyon, sa halip ay hinahabol nito ang pagdikit ng zygote sa matres para mapigilan ito.
Nagkataon man o sinasadya, ang pagkitil sa buhay ng nasa sinapupunan ay nasa intensyon ng mga manufacturer (at kung minsan ay pati ng mga gumagamit) ng ganitong mga kagamitan at kemikal. Alam din ng gobyerno ang katotohanang ito, pero dahil sa mga mali at masasamang intensyon, pinababayaan ng gobyerno na malinlang ang mga mamamayan at sa gayon ay sama-sama silang pumapatay ng mga inosenteng tao na ayon sa Saligang Batas ay dapat protektahan.

Wednesday, June 18, 2008
What About Trust?
The most popular contraceptive brand in the Philippines is named after a very positive human trait - Trust. But why the name? Is it because of the dependability of the product? If it is about the quality of the merchandise, maybe it should be an adjective such as "trustworthy" or "dependable". Or the name is about the character of the consumer - or at least what they will develop using these devices? If so, to whom the trust will be directed? Who or what will be the object of their trust? Not the contraceptive, obviously; because in that case, it will be about the product and not about the consumer, and as already said, the name should be adjective. Now, if the brand refers to the trait of the end user (since there is nothing more to point to), may it be possible that the object or objects of this "trust" are the partners themselves? True, trust is essential in a relationship and there is no healthy relationship without mutual trust. But what does contraceptives have to do with the partners' reliance to each other? Will they someday say to each other, "Thanks to Trust condoms and pills, I developed my trust in you"? Contraception is about killing sperms and interfering with the course of nature, using the word "trust" in advocating these actions is not very trustworthy. It attempts to distort the true meaning of the word while diverting one's mind from the true mechanism of the action. Trust Condom? Silly name! It has no connection at all.
Now, let's compromise since we have no other choice: Let us assume that the brand name Trust (inappropriate as it is) points out to the dependability of these inventions. The question is, "What is it dependable for?" What else should we assume, they are contraceptives! Meaning, the name claims to be worthy of confidence in terms of preventing conception. Are they? All official studies about contraceptives admit that there is no device or pill or method that is 100% reliant in terms of conception prevention except for abstinence. No sex, no conception. Simple! So, to claim one's trustworthiness by using the term "trust" in this regards is a very big LIE. Not trust but wariness is the attitude that everyone should face these deceptions with. What's more dangerous than unexpected pregnancy is the sexually transmitted disease that one may be infected with because of the false sense of security that these condoms give. Those who studied AIDS virus very well knew that these organisms are far more tiny than the sperm cells; that is 450 times smaller. And if sperms at times escape condoms, how much more probable would it be for HIV particles! Do these contraceptives companies warn the people about that? A very big NO! Why should they, it is their business! Putting your life in the risk is their means of living. Moreover, they claim to be protecting you while they are pushing you to death.
Subscribe to:
Posts (Atom)