Sunday, June 27, 2010

Ang Tunay na Lalaki



"Ang tunay na lalaki, proteksyon ang binibigay, hindi sakit o di inaasahang pagbubuntis."

There's no sense in it. First of all, if you would watch the bedroom scene of the ads, you will see how ungentlemanly the guy is. The girl was soaked in the rain, but instead of standing up from the bed to help her dry her body, the man started to relish her "yumminess" while watching her wet body. How sweet! Where is the sense of manly protection? Maybe he is not giving her a disease but he doesn't care whether she will be sick.

Besides, why did Robin think that this guy might infect her should he not use condoms? Does he want to imply that this guy (and all other guys) might have been unfaithful and might have incurred an infection from someone else? Where is the manliness there?

A true man knows how to master himself. Self-discipline is his protection against his "frenzy". If he doesn't have control over himself, and thus just resort to condom use, then he is like the man in a song that says, "Ako'y ibigin mo, lalaking matapang. Ang baril ko'y pito, ang sundang ko'y siyam."

Contraceptive ads are always ironic.

[Originally written as a comment for this article: http://anasantoswrites.com/?p=1182]

Saturday, June 26, 2010

Saturday, June 12, 2010

Tide at Safeguard: Sagot sa mga problema?

Siguro ay lahat ng nanonood ng TV ay nakita na ang bagong ads ng Tide at Safeguard kung saan isang ina ang nanalo ng isang milyong piso sa promo ng Tide, at isang anak naman ang nanalo din ng isang milyon sa promo ng Safeguard. Anong hindi tama sa mga patalastas na ito? Dahil sa tinatawag na advertising strategy, sinisira ng ganitong mga advertisement ang sense of reality ng tao. Kahit pa sabihing natural na nagmula sa mga nanalo ang mga pananalitang kanilang ginamit, hindi papayagan ng isang kompanyang may malasakit sa pagkatao ng mga tagatangkilik na ang maririnig sa kanilang mga patalastas ay magkakaroon ng masamang impluwensya sa mga nakakapanood.

Ano ang tinutukoy ko? Ang pagsasabing, "Maso-solve na ang lahat ng problema ko," dahil lang nagkaroon ng isang milyong piso ay napakairesponsableng pananalita. Hindi natin gustong ituro sa ating mga anak na masusulusyunan ng pera ang lahat ng problema. Bukod sa pinansyal na suliranin, alam nating wala nang ibang pwedeng maitulong ang pera. Ganito na nga mag-isip ang karamihan sa atin, hindi na ito dapat ginagatungan pa. Tatanungin ko kayo, mabibili ba ng isang milyong piso ang kagalingan ng isang anak ng nalulong sa masamang gamot dahil hindi niya nararamdaman ang pagmamahal ng pamilya? Maaayos ba ng isa, dalawa, o sampung milyong piso ang nasirang relasyon ng magulang at mga anak, o kaya ay ng mag-asawa? May totoo bang mararating ang halagang ito kung may taning na ang buhay mo o kaya ay kailangan mong gumastos ng daang libo kada dalawang linggo para lang manatili kang buhay? Kung tutuusin, ang huling nabanggit ay maituturing din na problemang pinansyal, pero kahit sa kasong ito, walang magagawa ang kahit magkano.

Ang ikalawang kalahok naman, na isang binata, ay masayang-masaya dahil sa kanyang napanalunan. Pero higit doon, umaasa siyang dahil dito ay hindi na sana maranasan ng pamilya niya ang naranasan niyang paghihirap. Maganda ang intensyon pero, muli, nagpapakita ito ng isang mundo ng pantasya. Unang-una, hindi dahil gumagamit ka ng Safeguard ay may malaking posibilidad nang magkaroon ka ng isang milyon. Higit na mas malaki bilang pa rin sa mga umaasa dito ang hanggang pag-asa na lang.. Pangalawa, hindi komo dumating ang panalo mo sa oras na hindi inaasahan e masasabi mo na sa iba na sa ganung paraan pangkaraniwang nakakamtan ang yaman: "Pag di mo pala inaasahan...dun dadating ang yaman!" Pangatlo, hindi natin dapat subukan o isipin man lang na ipagdamot sa ating pamilya ang pagkakataong mapalago ang kanilang pagkatao sa pamamagitan ng pagharap sa realidad ng buhay. Gaano man kabuti ang layunin, ang pagtatangkang ilayo ang isang tao sa lahat ng uri ng paghihrap, kabiguan, o sama ng loob ay isang paraan ng paghamak at pagpapahamak sa kanya. Ito ay maihahalintulad sa isang amang namamangka na bagamat laging kasama ang kanyang anak ay hindi ito pinaghahawak ng sagwan dahil ayaw niya itong mahirapan, masaktan, o malagay sa posibilidad ng sakuna. Sa kalagitnaan ng paglalakbay ng anak at sa huling bahagi ng paglalakbay ng ama, walang mag-aakalang kailangan nang mawala ang humahawak ng sagwan. Dahil dito, ang anak ay maiiwan sa mga hindi kailangang panganib ng sakuna at maagang kamatayan. Mabuti man ang intensyon ng ama, dahil ito naman ay mali, siya pa rin mismo ang nagpahamak sa kanyang anak, at masasabing nagdala sa kanya sa kamatayan.

Totoong kailangan ng magandang taktika sa pagbebenta ng mga produkto, pero hindi nito dapat inaapakan, ipinapahamak, o itinutulak sa kamalian ang kaninumang pagkatao.